9 years ago willing ako tumayo for 4 to 5 hours…
I did that hanggang 2019. Isang malaking backpack sa likod, saka 2 plastic bag sa mga kamay.
Willing ako tumayo habang binabalanse sarili ko basta makauwi lang din sa family the same day.
I was still an employee in a power plant sa Bataan then.
About 10% ng employees samin, hindi taga doon kaya excited kami pag Holy Week. Parang pasko yan na pwede mag mahabang oras kasama pamilya.
Kaya nag-uusap usap kami what time kami mag out pagdating ng Holy Wednesday kasi panigurado matraffic. Exodus nga term namin. HAHA
Ngayon? If I’ll be talking to my 5 year ago self, hindi nya din siguro maimagine where I am today.
Ha?
Manager ka na?
May community ka?
May food business ka?
Asan na yun mga pinaghirapan mong aralin about Non Destructive Engineering?
HAHAHA. Sorry self. Daming pwedeng magbago in 5 years. Complete revamp.
Pero sabihin ko sakanya, “I’m still in touch with the people na katrabaho natin before. Ok pa din kami!”
Kaya 3 things I want to tell to my 5 years ago self
1. Cherish the people you really value sa work. Don’t burn bridges unless kailangan. Hindi dahil sa emotion lang.
2. Mapapagod, pero wag ka susuko. Bitbitin mi lang yun mga bagahe mo. Makakamit mo din yun gusto mong buhay. Basta galaw ka lang.
3. Huwag mo masyadong mahalin trabaho mo. Papalitan ka din nila pag kaalis mo. Pero pag mag mangyari sayo, hindi ka madaling palitan ng pamilya mo. Find time with what truly matters to you.
“Go buhatin mo yan backpack mong kay laki! uwi ka na. Naghihintay na pamilya mo sayo”, as if kausap ko si 2019 Reuel
---
More of this in our growing FB Community, click the button below!
!
תגובות